Saturday, April 24, 2010

The Lady Who Loves Shakespeare

"to sleep
perchance to dream
"Aye there's the rub
for in that sleep of death
what dreams may come
for we have shuffled off this mortal coil
must give us pause..."

i can still remember vividly those Shakesperean paragraphs repeatedly recited by my public speaking teacher in high school...
heard she had breast cancer..
i wonder what happened to her

my classmates were rounding up on her every class for being too sexy...
those were the days..
seems like it was just a stone throw memories..
when you look back it appeared as if you can touch its reality to assume innocence wearing that khaki pants and white polo shirt
your seatmate giggling by your side and uttering something funny you can barely breath

Saturday, August 1, 2009

Ako'y nagpapasalamat sa Panginoong Diyos na ginawa nya akong Pilipino- Tita Cory (1933-2009)


isang simbulo ng ating panahon na naman ang napitas na dahon sa tangkay ng mga bulaklak..
Nauna na si Mother Teresa, sumunod si Princess Di..
Si Pope John Paul, at nung isang buwan lang si MJ...
Mga tauhang humubog sa mga pagkatao ng mga mamamayan..
kanina lang ay ang sumakabilang buhay ang dating mabuting maybahay na si tita Cory..

Humagulgol..dahil nanghinayang na di na masisilayan..
Mapait na ngiti... dahil tapos na ang kanyang paghihirap..
tapos na ba ang yugto ng kanyang pakikibaka para sa mga Pilipino?

Naalala ko palagi ang pinakahuling interview sa kanya ni Jessica Soho...
at nung una kong nasilayan ang dilaw nyang terno nung nangangampanya pa lang sya nung nasa 3rd year high school pa lang sa Tagum...
Malakas ang ulan.. suot suot ko pa ang ukay-ukay na maroon sweat shirt-pawang kausuhan nung panahon na yun... kasama ko ang aking ina at napakadami pa ring tao sa "crossing"..kahalubilo ang iba pang gustong mapanuod ang babaeng matapang na humarap kay Makoy..
kasama si Doy at Nene Pimentel..
Tuwang tuwa ang nanay habang dala dala ko ang payong namin sa kalakasan ng ulan..
Napakapalad ko pala...
" ako'y nagpapasalamat sa panginoong Diyos at ginawa niya akong Pilipino..."

Saturday, July 18, 2009

Come Undone (2009)


May natutunan ako ngayon.
Marahil pamilyar..
Dahil naging bahagi ng mga kanta ni Madonna...Robbie Williams at iba pa ata..
Simula't sapul akala ko'y iba ang nilalaman..simpleng mga kataga at madaling intindihin..
yun pala'y may konting drama...

Nung una'y magulong pagkaka kwento..ngunit unti unting nabuo ang isang makabuluhan at di malilimutang karakter...
May kaunting bulgar na pagsasalarawan, ngunit tapat ang bawat kilos at salita ng mga tauhan.
Ito ay kwento ni Matthew isang binatilyong Pranses na nagbakasyon sa Hilagang probinsya ng Britanny kasama ang kanyang nagpapagaling na ina na nagkaron ng depression simula ng mamatay ang bunsong kapatid sa kanser.
Ang unang tauhan ay nagmahal habang nakilala ang buong sarili sa isang tag-araw, mapait na nabigo, at unti unting bumangon. Simpleng plot para sa isang nakakaantig na pagsasalarawan ng magaling na direktor na si Sebastien Lifshitz

Sunday, June 21, 2009

Paano ba ang maging bata..?


uso pa pala ang chain letter sa ganitong modernong panahon..
iba na nga lang ang porma. Chain emails..
mga naliligaw paminsan minsan na parang basura,o "spam".
Minsan may mahalaga. parang ginto. katulad ngayon.

Paano nga ba ang manatiling bata.
Tanong ng marami, dahil takot tumanda.
maraming tanong na hindi pa masasagot.
Malungkot. walang pera. marahil may mga sakit.mahina. maaaring nag iisa?
May kikitain pa ba? may mag aalaga ba?

May lunas na kaya sa arthritis, Alzheimer's, at kanser sa mga panahon na iyon?
Uso pa kaya ang pakikipagtalik? Kanino at paano? Hindi kaya delikado?
May facebook at friendster pa kaya? ano na kaya ang uso...kung meron man, marunong kaya ako...?
Maaalala pa kaya kita.. ang magmahal... ang maramdaman ang una nating pagkikita...unang pag niig bago ang halik..

Ayokong tumandang walang nagawa.
Tumanda man ang katawan, wag lang ang isipan.
May matulungan man ay tumatak sana sa buhay ng iyong napagpaguran.
Nakakatakot pala...

Saturday, June 20, 2009

La Vista Del Mar Zamboanga




Bangkero sa Siargao


Fishing in Taluksangay

One of the most dangerous jobs in the world...in one of the most dangerous places on earth. Fishing is the main source of living in the Zamboanga peninsula. The seas remain rich and fertile as the land.
But for how long....

Thursday, December 25, 2008

ROAD ENCOUNTERS







People & Places
Kublai creations in a sky park in Bukidnon, Kiokong eco-tourism park bridge,over view park, natives along the roads, children waiting for alms, children fetching some waters, a child walking through sticks

About Me

zamboanga city, Philippines