


Siyam na taong gulang...mag aanim na buwan nang iniinda ang sakit na nagsimula sa isang ga-munggong bukol sa kanang bahagi ng leeg sa ilalim mg tenga. buto't balat dahil di na masyadong makakain... pasinghap singhap na paghinga dahil sa mag iisang linggong lagnat at ubo...
Dukha...bunso sa apat na magkakapatid... ang ama ay bumubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka ng lupaing hindi sa kanila...
Lumuluha ang ina... wala raw kasi silang pera upang ipatingin sa mangagamot ang anak na may bukol...malayo ang kanilang lugar sa kabihasnan... walong oras daw ang biyahe patungong puweblo pag sumakay ng bus na dumadaan pa sa matatarik na bundok...
Walong oras silang nagbiyahe patungong gamutan...
Wala pang walong oras syang nagpahinga sa ospital...
Binawian na siya ng buhay...





