Ang traffic. maliit lang ang puweblo ng ciudad na ito ng mga chavacano..
kaunting mali lang ng mga nagkakagulong pagmamaneho ng mga motorsiklo sira na agad ang panahon mo..maliit at masisikip ang daan. palibhasa hindi planado.
Ay mali, planado nga pala para sa mga kalesa nung unang panahon...
Mabuti na lang tricycle at motosiklong single ang hari ng daan. walang pong taxi dito.
Tumunog na naman ang paborito kong "Beer". dalawang taon na yata hanggang ngayon di ko pa napapalitan. Witheld ang nakalagay sa LCD screen, malamang overseas.
May hikbi sa kabilang linya..pero familiar ang boses ni Christine.
"Im so sad, i'm sorry for crying but i just can't help it..." aniya. "He was so good to me. di ko man lang siya nakita uli."
'lam ko matagal na nga. Nine years na yata nung naging abay siya ng kasal ni Christine.Kasama din ako pero hindi abay.
Alam ko close sila. he was her only best friend back during UST days.
dalawa hanggang tatlong oras na telebabad. Minsan magdamagan.
Gosh i miss those days.
Di na uso ang telebabad yata ngayon. mahal na ang tawag sa celphone.
Nahawa din ako sa humahagulgol na kaibigan sa kabilang linya.
Andito sya last month at naitanung nya sa akin kung kamusta na si Art.
Wala pa akong balita sabi ko.
pero sa isip isip ko hindi na yata maganda pag ganung di ako nakakatanggap na balita sa egroups namin.
maya-maya nahimasmasan. knuwento ng magagandang ala ala ng yumao.
mabait nga si Art wala akong masabi.
For a while back then, we became close.
nag-agawan kami sa isang polo sa Kirei para isuot sa graduation..Eventually we ended up buying almost similar color of different design.
Hay! Ani ng mga kaklase namin, para kayong kambal ha...