
Nasaan nga ba ang Kabasalan?
Isang maliit na bayan na sumikat noon sa goma (rubber at hindi Richard Gomez) at pangingisda...
Isang maliit na bayan na sumikat noon sa goma (rubber at hindi Richard Gomez) at pangingisda...
Ang ina ng matalik kong kaibigan na si Reyvic ay dito ipinanganak-ang kaibigan kong ito ay nasa liga nila Belo at Calayan..
Si Arvin na isang sikat na Hemato-Pathologist ( tatlo lang sila sa bansa), at si Yang, isang Manggagamot ng mga Bata na naninirahan na sa Pagadian...
Si Arvin, Reyvic at Yang...mga magkakalase sa pambansang pamantasan..pawang magkababayan...
Isang dalubhasa sa sakit sa pulmon ang isa pang naninirahan doon..
May beauty queen kaya..? Malay natin...
May mga nagtatago ng yaman...may mga hasyendero...mangingisda...atbp
Pero ang dahilan ng pagpasyal ng grupo ay upang hanapin ang nababalitang sikat na pintor...
Salamat sa napagtanungang ale mga sampung kilometro pa raw ang layo...kilala siya?
Dapithapon na ng sumapit sa kakaibang bahay sa may daan...
Ang maybahay ang sumundo..tinawag ang dakilang pintor...
Matatas magtagalog, may puntong bisaya..madaldal..Mestiso... pinaghalong Maranao, Tausog, Sharif Kabunsuran, Samal, etc..
dinala kami sa taas ng silid kung saan sya nagpipinta...
Tumambad ang Obra...makatindig balahibong pinintang hanggang sa kaliit liitang disenyo ng mga alahas ay detalyadong naisalarawan..pawang mga kultura ng mga Moslem...Makulay...intricate.. talagang pinagpaguran...
pinagmalaki ang mga librong, pahayagan at magazines na sya ang bida...
nagturo ng kaunti sa kanyang istilo...
"isang Henyo ng kanyang henerasyon na di mapapantayan ng matagal", natatandaan kong sambit ni Ka Islaw, isang tanyag na gumagawa ng frames sa MOA, tungkol kay Juan Luna..






No comments:
Post a Comment