Monday, December 10, 2007

pinabili ng suka sa kanto....

pinabili lang ng suka sa kanto...pagbalik nurse na...

bakit kanyo? sa dami ng nagsulputang paaralan para sa nurses sa bawat sulok ng bansa, bumababa na ang kalidad ng mga nagtatapos...
ni hinde marunong umunawa sa "order" ng duktor:

mang gigising ng madaling araw para sa IVF to follow
magtatanung kung okey lang na generic na Meropenem ang ibigay
ano ang diet ng dalawang buwang edad na pasyente
magtetext at magtatanung kung ano ang gagawin dahil natanggal ang IV line ng pasyente
ang pinakamasaklap pag nagtext na may referral-ilalagay sa order sheet ng doctor kung ano ang iyong sinabi: text order-"Ok, I'll see the patient tomorrow"
Boba!!

Nakakatakot...
Mga kababayan ay nanganganib, nakakaawa...
Ganitong uri na ba ng nurses ang naiiwan sa bansa?
O mga bagong graduate na produkto ng mistulang "fly by night" school of nursing...
Samantalang ang mga may karanasan o "mas magagaling" na nurses ay umaalis upang makipagsapalaran sa ibang bansa...

Pinabili lang ng suka sa kanto... nurse na..

Ang dati kong sekretarya na may edad 48 ay tinanggap pang mag-aral ng nursing sa STI...
Pinaalis ko nung isang taon ng madiskubre kong kumukupit at nagbebenta ng gamot ng bigay ng mga med rep...

Nurse na ang profession ng taon...

Sana iba na lang...nagtinda na lang ng suka.

No comments:

About Me

zamboanga city, Philippines