Monday, July 16, 2007

monasterio ng carmelita sa zamboanga






Fifty one years later of bombings, and abu sayaff/MNLF kidnappings, and amidst the locale's resistance to progress..the monastery still stand to unite the faithful in one special celebration... Time passes by..It was same time last year when they opened the monastery for public viewing.. I was one of the fortunate persons who saw its secrets..They do that every 25 years..
Nung isang taon....

Kakaibang pananabik ang namumutawi sa bawat isa...minsan lang sa isang pinagbuong pilak na taon ipinamamahagi ng mga monghang madre ang kanilang monasteryo sa mga mayayaman este mamamayan.

At anupa nga ba, isa tayo sa mga nakipagsapalaran upang makisama sa kanilang piging. Nakikain ng kaunti. Aba may alam sa cocktail? Kasabay syempre ang mga nananampalataya.. andiyan ang mga matataas na pangalan sa lipunan “alta sociedad” daw.. Aba makapigil hininga mong makakasalamuha ang mga pulitiko… mayayaman...mga banal o hinde... ususero man o nagtuturistahan sa lugar na ito ng mga malalambing, magaganda, nagtatagong mayaman, mapagkumbaba, pretensyoso, tsismoso, magarbo, inggitero, etsetera...(sabagay sa lahat ng bahagi ng Pilipinas yata)

Nandiyan ang makipagtsikahan ng sandali sa isang babaeng nakatrono at mahilig magpakuha ng larawan sa ward 8 kasama ang mga batang halos naghihingalo na sa kanser upang mailathala sa lokal na pahayagan na siya'y may naitutulong… ito'y nung isang taon nang namahahagi ng isang lumang telebisyon na galling lang pala sa iisang uugod ugod na hotel sa bandang valderosa. Mukha pang galing pirata (smuggled)...
Utang na loob po...

Isa na naman pong pagpapanggap...
Ngunit sa kabuuan, ako’y nagpupugay na maging bahagi ng ganitong pagdiriwang..Mas nakikilala natin ang isang lugar sa uri ng mga taong nakakasalamuha natin...upang maihanda uli ang ating sarili sa susunod na kabanata ng pakikipagsapalaran sa bawat pagsubok sa balat ng lupa..

No comments:

About Me

zamboanga city, Philippines